Ano ang Gyosei-shoshi o Administrative Scrivener?
Ang gyosei-shoshi o administrative scrivener ay isang indibidwal na may lisensyang iginawad ng gobyerno at kwalipikadong magbigay ng pangkalahatang suporta sa pamumuhay ng mga dayuhan sa Japan (estado ng paninirahan, naturalisasyon, pag-aaral, pagtatrabaho, pagpapakasal, at pagtatayo ng negosyo).
Anu-ano ang maaari naming ipagawa?
Maaari namin kayong tulungang isagawa ang mga sumusunod:
- Pagkuha ng visa o pahintulot para sa paninirahan;
- Pag-renew ng panahon ng paninirahan;
- Pagbago ng estado ng paninirahan;
- Pagpapapunta ng pamilya o kaibigan sa Japan;
- Pagtira nang permanente sa Japan;
- Pagiging naturalized citizen ng Japan;
- Pagkonsulta ukol sa pagpapakasal sa ibang lahi, pakikipaghiwalay, pag-aampon, at pagmamana;
- Pag-aaral sa Japan;
- Pagtatrabaho sa Japan;
- Pagtatayo ng negosyo sa Japan (mga proseso para makapagtayo ng kumpanya, restawran, atbp.);
- Pamumuhunan sa Japan ng isang kumpanyang nasa ibang bansa, atbp.
Paano kumonsulta?
Ang mga asosasyon ng mga gyosei-shoshi o administrative scrivener sa bawat munisipalidad ng Japan ay regular na nagdaraos ng mga libreng konsultasyon at nagbibigay ng impormasyon ukol sa mga gyosei-shoshi o administrative scrivener sa inyong lugar. Huwag mag-atubiling kumonsulta.